Sa August 27 episode ng Love ni Mister, Love ni Misis, ibabahagi nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa mga manonood ang mga theme songs ng buhay at pag-ibig nila. Sasamahan sila ang hosts na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa kanilang pag-awit.
Magkukuwento ang magkasintahan tungkol sa kanilang ligawan at relasyon bago nila aminin ito sa publiko, at ang mga detalye ng kanilang engagement. Siyempre pa, lalong kikiligin ang mga manonood sa musika ng tanyag na singer-songwriter at ng Asia's Songbird.
Huwag ring palampasin ang special surprise sa couple at ang on-the-spot birthday celebration ni Ogie. Panooring sila sa Love ni Mister, Love ni Misis, na mapapanood ng weekdays sa ganap na 9:45 n.u. sa GMA-7.